Ang mga transaksyon sa Coins.ph ay generally irreversible. Ibig sabihin nito ay hindi kami maaaring mag-balik o mag-refund ng funds dahil gumagana ito katulad ng virtual cash. Dahil dito, kailangang maging maingat sa pagpapadala ng funds gamit ang inyong account.
Ito ang mga mahahalagang tips para masiguro ang seguridad ng inyong Coins.ph account:
- I-verify ang gusto mong makatanggap ng funds. Laging siguraduhin na nailagay ang tamang detalye.
- I-check ang payment amount. Siguraduhin na nailagay ang tamang amount bago ipadala ang funds.
- Iwasan ang pagpapadala ng funds sa mga taong hindi mo kilala. Ang pagpapadala ng funds gamit ang Coins.ph account ay naproproseso katulad ng kahit anong cash payment. Magbibigay ka ba ng pera sa taong hindi mo kilala? Mahalaga na masiguro ang identity ng inyong padadalhan para maiwasan ang pagiging biktima ng fraud.
- Maging alerto sa mga investment schemes. Maging maingat sa pagpapadala ng funds sa mga tao o kompanyang nangangako ng mabilis at garantisadong pagbabalik ng puhunan. Ang Coins.ph ay hindi nange-endorse o affiliated sa mga aktibidad at produkto na may kinalaman sa investment. Para sa dagdag na impormasyon, maaaring basahin ang article na: What can I do to avoid Investment schemes and other online scams?
- Kapag nagbabayad ng produkto o serbisyo, siguraduhing rehistrado ang merchant. Kung sakaling may hindi pagkakaunawaan sa isang transaksyon, hindi namin maaaring mabalik o ma-refund ang inyong payment
Layunin ng Coins.ph na ma-accelerate ang financial inclusion. Ginagamit namin ang technology ng digital currency para padaliin ang pangangailangan ng mga tao sa pagpapadala ng pera. Para magawa ito, ipinapatupad namin ang striktong KYC policies at AML regulations. Para sa dagdag na impormasyon kung paano mapapanatili ang seguridad ng account, mangyaring bisitahin and Kaligtasan at Seguridad sa aming Help Center.
Para sa dagdag tips kung paano masisiguro ang seguridad ng inyong Bitcoin wallet, nirerekumenda namin na basahin ang CoinDesk article on security tips for beginners.
Kung may katanungan, maaari niyo po kaming kontakin sa Coins app o sa help@coins.ph para ma-check ito agad ng aming team.