Ang “Phishing”, “Phishing Email”, o “Phishing Site”, ay mga plataporma kung saan may tao o grupo ng tao, tinatawag na “Phishers”, na nagpapangap bilang mga pinagkakatiwalaang kumpanya tulad ng banko. Sa pamamagitan ng mga platapormang ito ay nakakapaglagay ang mga phisher ng masasamang virus o malware sa inyong mga cellphone o kaya computer. Kapag nalagyan ng virus o malware ang inyong kagamitan, maaaring nakawin ng mga Phisher ang inyong personal na impormasyon tulad ng mga pin, password, at iba pa.
Kapag nakatanggap ng kahina hinalang email o mensahe, ito ang mga bagay na dapat nating ingatan:
1. Tignan ang website URL
I-hover ang cursor o mouse niyo sa anumang link na nakalagay doon sa email o mensahe na natanggap niyo. Huwag pipindutin ang link. Kadalasan, lalagyan ng mga phisher ang mga email o mensahe na ito ng link kung saan kakailanganin niyong ilagay ang inyong personal na impormasyon.
Bihasa ang mga phisher na gayahin ang mga website ng mga pinagkakatiwalaang plataporma tulad ng Coins.ph. Kaya naman, huwag agad agad maglalagay ng personal na impormasyon kahit magkamukha ang website. Lagi po nating siguraduhin na tama ang website URL ng website na ating binibisita.
Para sa Coins.ph, siguraduhin na ang website URL ay laging may https://www.coins.ph/ o kaya https://app.coins.ph/wallet.
Ang ibang mga URL tulad ng http://coimsph, http://app.coimsasia, http://dagdagpera, at iba pa, ay hindi totoong mga URL at marahil ay kagagawan ng mga Phisher.
Siguradhuin din na ang URL ng website ay “HTTPS” at hindi lang “HTTP”. Ang “s” sa “HTTPS” ay isang security protocol na sinisugurong hindi makukuha ng Phishers ang inyong impormasyon.
2. Tignan ang email address ng sender o ang nagpadala ng email
Isa sa mga pinaka karaniwang pamamaraan ng phishing ay sa pamamaraan ng mga “phishing email”.
Ang phishing email ay mga email na tinutulad ng mga phisher sa mga lehitimong email ng mga pinagkakatiwalaang kumpanya o plataporma. Higit pa rito ay tinitulad din ng mga phisher ang mismong email address nila, upang maging kamukha ng mga lehitimong email address.
Para po sa Coins.ph, ang opisyal na email address ay help@coins.ph. Ito lamang po ang email na ginagamit ng Coins.ph, Kung makatanggap ng email o mensahe mula sa ibang email address, marahil ay hindi ito galing sa amin.
Iwasan ang mga email address tulad ng mga ito:
Laging tignan ang pangalan ng sender at pindutin ang “View Details” upang makita ang email address nito.
Tandaan: Kailanman ay hindi hihingin ng Coins.ph ang inyong password o 2FA code sa pamamagitan ng email, text o iba pang paraan maliban sa aming Sign In screen o sa pagkumpirma ng mga transaksyon sa website o mobile app.
Kung hindi nakakasiguro, huwag pindutin ang kahit na anong link sa email. I-forward niyo nalang po ang email na natanggap niyo sa help@coins.ph para kami na po ang magaasikaso nito.
3. Basahin ang aming blog para sa listahan ng aming mga promo
Kadalasang sinasabi sa mga phishing email na kayo ay nanalo ng premyo mula sa isang promo. Paraan ito ng mga phisher para maenganyo kayong ilagay ang inyong personal na impormasyon sa phishing link na inilagay nila sa email.
Para masigurong hindi tayo mabiktima nito, siguraduhin munang i-check ang aming blog upang makita ang aming mga kasalukuyang promo. Kung hindi kasama sa aming blog ang sinasabing napanalunan niyong promo sa kahinahinalang email na natanggap niyo, marahil ay phishing attempt po ito.
Pwedeng makita ang aming ongoing promos dito.
4. I-follow ang aming official social media pages
Upang masiguro na lehitimo ang mga promo at mensahe o email na natatanggap natin, maaari niyo itong ikumpara sa aming mga opisyal na social media pages. Siguraduhing i-like, follow, o mag subscribe sa mga ito.
Facebook: https://www.facebook.com/coinsph/
Twitter: https://twitter.com/coinsph
Instagram: https://instagram.com/coinsph/
YouTube: https://www.youtube.com/channel/UCfspVmryYvnNCN4Fn-AjhTA
Community Groups:
Coins.ph Community: https://www.facebook.com/groups/180252195769884/
OFW: https://www.facebook.com/groups/113073919352029/
Gamers: https://www.facebook.com/groups/619208438467073/
Travelers: https://www.facebook.com/groups/1231251730351012/
Coins Pro: https://www.facebook.com/groups/1890108457705612/
Kung mayroong karagdagang tanong tungkol sa phishing, nakatanggap ng phishing email, o nakapunta sa isang phishing site, ipaalam sa amin upang magawan naming ng agarang aksyon. I-forward nalang po ang mga ito sa help@coins.ph o magmessage ngayon gamit ang Coins.ph app.