Maraming scammer ang gumagawa ng mga pekeng Coins.ph page at account sa iba't-ibang social media platforms para manloko at manlinlang. Marahil ay mag-aalok sila ng mga promo, papremyo, libreng pamigay, o pati mga serbisyong pang-verification.
Paaano mo maiiwasan ang mga pekeng representative na ito?
1. Ang aming mga opisyal na Coins.ph representatives ay hindi kailanman magbibigay ng personal na mensahe sa iyong mga personal na social media accounts. Halimbawa nito sa baba ay isang pekeng representative na nakapangalang “Juan Coins.ph”.
2. Kadalasan ay hindi kapani-paniwalang mga promo ang iaalok sa iyo ng mga pekeng representatives sa pamamagitan ng personal na mensahe. Tandaan na hanapin ang verified checkmark sa aming opisyal na Coins.ph account o page para masiguro na lehitimong account ang iyong kausap.
3. Bago pindutin ang anumang link sa inyong mga natatanggap na mensahe, tiyakin muna nang ilang beses na secure and website na iyong bibisitahin. Maaari mo itong gawin sa pamamagitan ng pagtingin sa istruktura ng link na iyong bibisitahin. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga link, maaari mong basahin ang artikulo na ito.
4. Ang opisyal na Coins.ph representative ay hindi kailanmang hihingi ng pambayad mula sa iyo. Kung pinapabayad ka sa isang personal na account, hindi ito lehitimo.
Kung may maranasan kang kahina-hinalang aktibidad sa iyong account o may mapansing nagpapanggap na empleyado ng Coins.ph, agad na lapitan ang aming team gamit ang aming opisyal na hotline o magpadala ng mensahe sa amin gamit ang iyong app o mag-email sa help@coins.ph.