Bakit “deactivated” ang aking account?
Para sa seguridad at proteksyon ng aming customers, at para maka-comply sa local rules at regulations, posible na pansamantalang ma-deactivate ng Coins.ph ang isang account kung masuspetiyahan na ang account ay ginagamit ng ibang tao at hindi ang may-ari ng account. Pagkatapos nito, titignan agad ng aming team kung may posibleng fraudulent activity na naganap.
Posible din na ma-deactivate ng Coins.ph ang accounts ng mga customers na nasuspetiyahan na may ginagawang unlawful activity, o activity na lumalabag sa User Agreement ng Coins.ph.
Mahigpit na pinagbabawalan namin ang mga scamming practices o kahit anong aktibidad na hindi sumusunod sa aming User Agreement. Kung may sapat kaming dahilan o suspisyon na ginagamit ninyo ang inyong Coins.ph account para i-defraud ang Coins.ph o ang customers ng Coins.ph, ma-dedeactivate ang inyong account at may suspensyon ang inyong aktibidad.
Paano magcash-out ng natitirang pera sa aking deactivated na account?
Ang cash out steps at processing time ay depende sa rason kung bakit na-deactivate ang inyong account.
Maliban sa instruksyon ng awtoridad o legal compliance, kinakailangan na magbigay kayo ng legal proof of identity, at isang written request na may awtorisasyon para ma-remit namin ang remaining funds. Alalahanin din na pwede lang namin i-remit ang funds sa may ari mismo ng account.
Ano ang ang kailangan gawin?
Kung kayo ay nakatanggap ng email o mensahe na sinasabi na deactivated ang inyong account, sundan lamang ang instruksyon na nakasulat sa email.
Pwede niyo rin kami i-email sa help@coins.ph for further assistance.