Maging alerto at laging i-verify ang source ng mga natatanggap ninyong emails. Ang scammers ay pwedeng magpanggap bilang credible person o kompanya at magpapadala ng fake emails (phishing emails) na may kasamang fake websites.
Itong fake websites ay kumukuha ng inyong personal information tulad ng username, password, at verification codes para makapasok ang scammer sa inyong account. Ito ay "phishing".
1. Mali ang sender email address
Kahit mukhang lehitimo ang email name, kadalasan ang email address mismo ay nagpapakita ng maling spelling o maling variation ng lehitimong address. I-click ang email name lagi para makita kung ano ang email address ng sender para ma-verify ito.
Tandaan: official na Coins.ph email addresses ay nagtatapos lagi sa "@coins.ph".
2. May link papunta sa fake website
Tandaan: Para sa Coins.ph, dapat ay laging https://www.coins.ph/ o https://app.coins.ph/wallet ang nakikitang spelling ng website URL. Ang URL ay dapat may “HTTPS” din. Ang “s” sa HTTPS ay “secure”. Ito yung security protocol na ginagamit ng mga websites para ma-ensure na ang inyong personal info ay hindi ma-"phish".
Halimbawa ng mga fake na website URL: http://coimsph, http://app.coimsasia, http://dagdagpera and the like.
3. Humihingi ng sensitive information
May mga phishing emails na humuhingi agad ng inyong password, OTP codes, o ibang personal information. Huwag ibigay ito at i-report agad ang sender sa help@coins.ph.
Tandaan: Ang Coins.ph at ang aming empleyado ay hindi naghihingi ng inyong password, OTP codes, at ibang sensitive personal information sa email, text, o call.
4. Minamadali ka ng email
Kadalasan sinasabi ng phishing emails na nanalo ka ng "prize" o promo na malapit nang matapos, o kaya'y ang inyong account ay ma-teterminate ngayon kung hindi kayo "umaksyon" agad.
Maging alerto sa mga time-sensitive emails na ito. Ginagamit ito ng scammers bilang tactic para magclick kayo agad ng phishing link nila.
Tandaan: Hindi basta basta nagteterminate ng account ang Coins.ph at lagi itong may due process. Ang official na Coins.ph promos ay laging nakasaad sa official Coins.ph FB page, blog, at sa loob ng app.
5. May suspicious attachments
Kung pakiramdam niyong nakatanggap kayo ng phishing email, huwag i-download ang attachments na kasama sa email, lalo na kung ito ay .zip or. exe. Posibleng may virus ito o malware.
Tandaan: Sa sitwasyon na nakatanggap kayo ng email na may attachments galing sa Coins.ph, ito ay nasa PDF o DOC format only.
KAPAG KAYO AY NAKATANGGAP NG PHISHING EMAIL:
Kapag nakareceive kayo ng posibleng phishing email, o may napuntahang posibleng phishing site na mukhang sinusubukang gayahin ang imahe ng Coins.ph, mainam na ireport ito sa aming team para magawan namin ito ng paraan. Kung maaaari, iforward lang ang email na gustong ireport sa help@coins.ph at ilagay ang subject na “FORWARDED PHISHING EMAIL."
Habang tinitignan namin ang inyong report, paniguraduhing palitan ang inyong password agad at icheck na nakaregister ang kasalukuyang number niyo sa iyong Coins.ph account para magamit niyo rin ang Two-Factor Authentication (2FA) para sa karagdagang proteksyon. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Two-Factor Authentication, click here.