Kapag limitado o pansamantalang disabled ang inyong account, hindi ito makakagawa ng ibang mga transactions katulad ng Cash In o pagtransfer ng pera. May ilang posibilidad na mangyari ito sa isang account.
Kung sakali masuspetiyahan na ang isang account ay ginagamit ng ibang tao at hindi ang may-ari ng account, maaaring pansamantalang ma limita ang account na ito para sa proteksyon ng may-ari, at titignan na din kung may posibleng fraudulent activity na naganap.
Protektahan ang inyong impormasyon para hindi ito mangyari sa inyong account
Subalit, kapag nasuspetiyahan na ang isang account ay lumalabag sa ating User Agreement, ang account na ito ay iimbestigahan at maaring matigilan mula sa paggamit ng Coins.ph.
Kung naapektuhan ang inyong account at ito ay limitado, maaari niyo po kaming kontakin sa Coins app o sa help@coins.ph para mabigay ang detalye ukol sa inyong account.
Maaari ding tignan ang inyong email na ginagamit niyo sa Coins.ph dahil madalas naming naipapasa na sa inyo ang kailangang gawin para makuha ulit ang inyong account.