Upang mahanap ang inyong Coins.ph wallet address sa web, buksan lamang ang inyong main wallet screen at i-click ang QR code sa bandang kanan sa taas na bahagi ng digital currency wallet na nais niyong tingnan. Paalala lamang na may katumbas na wallet address ang bawat currency.
Pagkatapos makikita ninyo ang isang popup kung saan nakalagay ang inyong Peso, Bitcoin, Ethereum, Bitcoin Cash, o Ripple wallet address:
Ang pagkakasunod-sunod na letra at numero sa gitna ng pop-up ay ang inyong Coins.ph wallet address. Maaari ring gamitin ang QR code para makatanggap ng Bitcoin sa inyong wallet.
Maaaring gamitin ang address na ito sa pagtanggap ng pera sa inyong account, o kapag tatanggap kayo ng Bitcoin mula kahit kanino.
Sa Coins.ph app, mahahanap ang inyong wallet address kapag pinindot ang Receive sa main wallet screen, at pinili ang Show Blockchain Wallet Address sa susunod na screen.
Tandaan na iba ang wallet address sa inyong account number. Para sa iba pang paraan para magtanggap ng pera sa inyong account, maaaring basahin ito: Paano makakatanggap ng pera sa aking Coins.ph wallet?