Paano makukuha ang mga Palawan Pera Express Padala claiming details
Kapag ang inyong Palawan Express Pera Padala via Dragonpay ay naiprocess na, makakatanggap kayo ng email at SMS notification na naglalaman ng inyong claiming details.
TANDAAN: Ang Transaction Code na makikita sa Coins account ay ang Tracking Code/Claiming Code para sa inyong Palawan cash out. Ang code na ito ay nagsisimula sa "VJD"
Mga Kailangang Dalhin
Bago ka pumunta sa isang Palawan Express branch, siguraduhing dala mo ang mga sumusunod:
-
Dalawang (2) Valid IDs
Dapat magkapareho ang apelyido sa mga ID at sa pangalan ng sender.
Philippine Identification Card (Phil-ID)/Printed ePhil ID | NBI Clearance |
Philippine Driver's License | Home Development Mutual Fund (HDMF) |
Philippine or Foreign Passport | Police Clearance |
Integrated Bar of the Philippines (IBP) | Voter's ID and Voter's Certificate with Picture |
Postal ID | Senior Citizen ID |
Seafarer's Identification and Record Book Seaman ID | School ID with Validation |
Alien Certificate of Registration (ACR) / Immigrant Certificate of Registration (ICR) | Philhealth Insurance Card |
Government Office And GOCC ID (Example: Firearms License Issued by AFP) | Company ID |
Person With Disability (PWD) ID | Barangay ID |
Government Service Insurance System (GSIS) E-Card | Barangay Clearance or Certificate |
Social Security System (SSS) Card | DSWD Certification or 4Ps ID |
Unified Multi-Purpose Identification (UMID) Card | Pag-Ibig Loyalty Card |
Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ID |
-
Tracking Number:
Ang Transaction Code o Control Number. -
Pangalan ng Sender:
Tiyakin na ito ay eksakto. -
Eksaktong Halaga:
Alamin ang halaga ng matatanggap na pera.
Paraan ng pagkuha
1.Punan ang Receive Money Form: Upang makuha ang inyong remittance, kakailanganing punan ang Receive Money form
2. Punan ang Personal Information: Kung ito ang unang pagkakataon na magcclaim ng pera, kinakailangang ibigay ang sumusunod na impormasyon:
- Inyong buong address;
- Inyong kaarawan;
- Lugar ng kapanganakan
- Nationalidad
- Trabaho/negosyo
3. Ibigay ang ID at form: Ibigay ang napunan na form kasama ang iyong valid IDs sa teller.
4. Hintayin ang Pagproseso: Karaniwang tumatagal lamang ito ng 3 hanggang 5 minuto.
5. Tanggapin ang funds: Pagkatapos maproseso, ibibigay na sa iyo ng teller ang pera at resibo.
Frequently asked questions
Anong mga ID ang tinatanggap para sa pag-claim?
Tinatanggap ang iba't ibang ID tulad ng Phil-ID, Driver's License, Passport, NBI Clearance, at iba pang government-issued IDs. Maaaring tingnan ang table sa taas para sa kabuuang listahan.
Ano ang dapat kong gawin kung wala akong dalang valid ID?
Sa kasamaang palad, hindi ka makakapag-claim ng iyong padala kung wala kang valid ID. Mahalaga itong requirement upang mapanatili ang seguridad ng transaksyon.