Paano makukuha ang mga Palawan Pera Express Padala claiming details
Ipapadala sa email at SMS ang claiming details ng inyong Palawan Express cash out kapag maaari nang makuha ang inyong pera sa Palawan branch.
Mga kailangang dalhin
Kapag natanggap niyo na ang email o SMS na may kasamang claiming details, maaari na kayong pumunta sa isang Palawan Express branch para kunin ang pera! Bago pumunta, siguraduhin lamang na dala niyo ang mga sumusunod na hihingin sa inyo sa branch:
- Dalawang (2) valid IDs na nagdadala ng apelyido na kapareho ng apelyido na nailagay niyo/ng inyong sender sa cash out
- Tracking number ng cash out (tinatawag din na “Transaction code”)
- Pangalan ng padala sender
- Eksaktong halaga ng matatanggap na pera
Paraan ng pagkuha
Pagdating sa Palawan Express branch, lumapit sa teller upang sabihin na may kukuha kayong pera. Bibigyan kayo ng Receive Money form na inyong pupunuin.
Narito ang halimbawa ng form:
Kung sakaling unang beses niyong kumuha ng pera sa Palawan Express, kinakailangang ibigay ang sumusunod na impormasyon:
- Inyong buong address;
- Inyong kaarawan;
- Lugar ng kapanganakan
- Nationalidad
- Trabaho/negosyo
Ibigay ang napunuang forms, kasama ang inyong valid IDs, sa teller para maproseso ang padala. Matapos ang 3-5 minuto ng pagproseso, ibibigay sayo ng teller ang pera at resibo.
Para sa real-time updates sa outlet na ito, maaaring tignan ang aming Status Page.