Makakapagpadala kayo ng pera saanman sa mundo gamit ang wallet-to-wallet transfer feature ng inyong Coins.ph account. Maaaring gamitin ang Coins.ph Peso (PHP), Bitcoin (BTC), at iba pang digital currencies namin katulad ng ETH, BCH, o XRP wallet bilang ang source wallet para sa inyong mga transaksyon.
Narito ang mga hakbang para makapagpadala ng pera sa ibang Coins.ph wallet sa:
Sa mobile app, narito ang mga hakbang para makapagpadala ng pera sa ibang wallet:
Step 1: Depende kung ano ang nais nilang ipadala, kung gagamit kayo ng inyong PHP wallet maaaring pindutin ang “Send” icon sa inyong main wallet screen. Kung nais nila magpadala ng cryptocurrencies, pindutin ang 'Crypto' icon sa ilalim na menu.
Step 2: Para sa guide na ito, susundan natin kung paano magpadala mula sa inyong PHP wallet. Piliin ang "Send to another Coins account"
Step 3: Ilagay ang Coins.ph registered mobile number o email address ng recipient, o ang valid wallet address ng recipient
Step 4: Ilagay ang halaga at purpose ng transaksyon. Matapos kumpirmahin ang mga detalye, i-slide to send para makumpleto ang transaksyon.
Sa Coins.ph website, narito ang mga hakbang para makapagpadala ng pera sa ibang wallet:
Step 1: Piliin ang source wallet na nais gamitin at pindutin ang “Send”
Step 2: Ilagay ang halaga, ang Coins.ph registered mobile number o email address ng recipient, o ang valid wallet address ng recipient. Ilagay din ang purpose ng transaksyon.
Step 3: Matapos kumpirmahin ang mga detalye, pindutin ang "Send" para makumpleto ang transaksyon.
Paalala: Maaari kayong magpadala ng pera kahit sinong mayroong email address, mobile number, o Facebook account. Kung hindi pa konektado ang mga ito sa isang Coins.ph account, kailangan lamang na mag-sign-up gamit ang mobile number o email address na inyong pinadalhan. Kung hindi siya makakapagsign-up sa loob ng limang (5) araw mula sa araw na ginawa ang transaksyon, babalik ang pera sa inyong Coins.ph wallet.
Kung mayroon pang ibang katanungan o concern, maaaring magpadala sa amin ng email sa help@coins.ph o magpadala sa amin ng mensahe mula sa Coins.ph app. Para malaman kung paano makakapagpadala ng in-app na mensahe, mangyaring bisitahin ang link na ito.