Kakailanganin ng aming website o app ang permiso ninyo upang makatanggap ng larawan mula sa camera ng inyong device.
Kapag nakita ninyo ang error message na ito para sa Selfie Verification, ibig sabihin na hindi nabigyan ng pahintulot ang inyong browser na kumuha ng larawan gamit ang inyong camera.
Ito ang mga posibleng nagdulot nito:
- Hindi sinasadyang na-click yung reject button nung lumabas ang pop-up message
- Awtomatikong binlock ng inyong browser ang camera; o kaya
- May extension na naka-install sa inyong device na nagbabawal mga app or browser na kumuha ng photo
Para bigyang pahintulot ang Coins.ph na kumuha ng selfie picture, sundin lamang ang mga sumusunod:
Para sa Android:
Bago matuloy sa selfie verification, may lalabas na mensahe para payagan ang Coins.ph na ma-access ang inyong camera. I-click lamang ang Allow at kayo'y makakapagpatuloy na sa proseso.
Para sa iOS:
Habang kumukuha ng selfie verification, hihingi ng permiso ang Coins.ph upang magkaron ng access sa inyong camera. Piliin lamang ang Open Settings at kayo'y mapupunta sa Settings ng inyong device para sa Coins.ph app. Piliin ang icon sa bandang kanan ng Camera.
Para sa Web Browser:
Para payagan ang Coins.ph na kumuha ng litrato gamit ang camera ng inyong device sa browser, piliin lamang ang tugmang browser na inyong gamit sa sumusunod na link:
Paano magbigay ng access sa camera para sa selfie verification sa Mozilla Firefox?
Paano magbigay ng access sa camera para sa selfie verification sa Chrome Browser?
Kung may katanungan, maaari niyo po kaming kontakin sa Coins app o sa help@coins.ph para ma-check ito agad ng aming team.