Maaari na kayong mag-cash in agad sa mga Palawan Pawnshop!
Sundin lamang ang mga sumusunod:
1. Gumawa ng cash-in order sa Remittance Center option. Piliin ang Palawan Cash Ins at ilagay ang halaga na nais i-cash in. Maiging bigyang pansin ang sumusunod na fee structure:
Halaga ng Cash In - Fee:
PHP 1 - 500: PHP 20 fee
PHP 501 - 5,000: PHP 30 fee
PHP 5,001 - 50,000: PHP 40 fee
Pagkatapos nito, bibigyan kayo ng reference number at mga panuto kung paano mag-cash in.
2. Pumunta sa pinakamalapit na Palawan Pawnshop branch at punuin ang Palawan Pawnshop Express Pera Padala (PEPP) Send Money Form kasama ang mga impormasyong ito:
Sender Name: Inyong Pangalan
Sender Mobile No: Inyong Mobile Number
Receiver Name: Reference Number
Receiver Mobile No: Inyong Pangalan + Coins.ph
Paalala: Kailangang magpakita ng 1 valid ID para sa mga transaksyong may halaga na P1 - P15,000 at 2 valid ID para sa mga transaksyong may halaga na P15,000 - P100,000.
Ipakita sa teller ang form na sinagutan at ibigay ang eksaktong bayad.
3. Papasok na ang inyong funds sa inyong wallet!
Paalala lamang na ang pag-cash in gamit ang Palawan Pawnshop ay maaari lamang gawin sa Palawan Pawnshop at hindi sa mga Palawan Express Authorized Agent.
Ganun lang kadali! Makukuha mo na ang perang inyong binayad sa inyong Coins.ph wallet! Ano pa ang hinihintay niyo? Subukan na 'to!
Kung may katanungan, maaari kayong mag-send ng inyong mensahe sa help@coins.ph.
Para sa real-time updates sa outlet na ito, maaaring tignan ang aming Status Page.