Paano makukuha ang LBC Instant Peso Padala claiming details
Ipapadala sa email at SMS ang claiming details ng inyong LBC Instant Peso Padala cash out kapag maaari nang makuha ang inyong pera sa LBC branch.
Mga kailangang dalhin
Kapag natanggap niyo na ang email o SMS na may kasamang claiming details, maaari na kayong pumunta sa isang LBC branch para kunin ang pera! Bago pumunta, siguraduhin lamang na dala niyo ang mga sumusunod na hihingin sa inyo sa branch:
- Dalawang (2) valid IDs kung saan magkapareho ang pangalan na nasa ID at ang pangalan na nilagay sa cash-out order;
- Ang tracking number ng cash out; at
- Eksaktong halaga na matatanggap.
Narito ang listahan ng mga tinatanggap na IDs:
- Passport
- Driver's License
- Foreign Passport (written in English) para sa mga non-Philippine Residents
- Professional Regulatory Commision ID (PRC)
- NBI Clearance
- New Postal ID (PVC card)
- GSIS ecard
- SSS Card
- UMID ID
- Senior Citizen Card
- ID Issued by Government (GOCC) :
- HDMF (Pag-IBIG ID)
- PhilHealth
- AFP ID
- AFP Dependent ID
- Firearm License
- OFW ID
- OWWA ID
- Seaman Book & Seafarer's Registration Certificate
Paraan ng pagkuha
Pagdating sa LBC branch, lumapit sa teller upang sabihin na may kukuha kayong pera. Bibigyan kayo ng form na inyong pupunuin.
Halimbawa ng form:
Ibigay lamang sa teller ang napunuang forms kasama ang inyong valid IDs at hintayin na maproseso ang inyong cash out.
Ang padala ay ibibigay ng teller kasama ang resibo pagkatapos itong maproseso.
Kung mayroon kayong mga katanungan o problema sa pagkuha ng padala, magmensahe lamang sa amin para mabigyan kayo ng tulong.
Para sa real-time updates sa outlet na ito, maaaring tignan ang aming Status Page.