Gusto niyo bang mag-cash in sa labas ng Pilipinas? Ang sumusunod ay limang (5) mabibilis na paraan para makapag-cash in abroad:
Maaari kayong pumunta sa Western Union branch o Online (mga piling bansa lamang). Ilagay ang sariling pangalan bilang recipient. Pagkakuha ng MTCN, i-cash in na ito gamit ang app.
Maaaring pumunta sa isang Ria sending agent upang magpadala ng pera sa inyong Coins account.
Maaaring pumunta sa Remitly website upang magpadala ng pera sa inyong Coins account. Maaari itong bayaran sa pamamagitan ng debit/credit card (Express Option) o bank account (Economy Option). Magagamit ito ng mga customer sa Australia, Austria, Belgium, Canada, Denmark, Finland, Germany, Ireland, Italy, the Netherlands, Norway, Spain, Sweden, United Kingdom, at United States.
Maaaring pumunta sa WorldRemit website upang magpadala ng pera sa inyong Coins account. Maaari itong bayaran sa pamamagitan ng debit/credit card. Magagamit ito ng mga customer sa Australia, Austria, Belgium, Bulgaria, Canada, Croatia, Cyprus, Czech Republic, Denmark, Estonia, Finland, France, Germany, Gibraltar, Greece, Hong Kong, Hungary, Iceland, Italy, Japan, Latvia, Lithuania, Luxembourg, Malta, Netherlands, New Zealand, Norway, Poland, Portugal, Romania, Rwanda, Singapore, Slovakia, Slovenia, Somaliland, South Africa, Spain, Switzerland, United Kingdom, at United States.
Maaaring pumunta sa Hanpass Remittance app upang magpadala ng pera sa inyong Coins account. Magagamit ito ng mga customer sa South Korea.
Online Bank Transfer
Magagawa ito gamit ang mga sumusunod na bangko:
Mga InstaPay Option | |
|
|
Mga PESONet Option | |
|
|
Mga Iba Pang Option | |
Para gawin ito, buksan ang app at pindutin ang “Receive”, piliin ang “Request from Friends”, at ipadala sa kahit anong numero o email address. Makatatanggap sila ng gabay kung paano kukumpletuhin ang pagbabayad sa paraang pipiliin nila. Direkta itong papasok sa inyong Coins.ph account pagkabayad nila dito. Pakitandaan na mababayaran lang ito ng tatanggap kung nasa Pilipinas sila.
May mga katanungan pa po tungkol sa aming cash in options? Huwag mahiyang magpadala ng mensahe sa amin sa help@coins.ph.
Para sa real-time updates sa mga outlet na ito, maaaring tignan ang aming Status Page.