Ang Enhanced Verification ay isang additional requirement sa aming standard KYC (Know Your Customer) procedure. Ito ay iba sa ID/selfie o address verification.
Kung nag-message ang aming team sa inyo (via email o sa inyong Coins.ph app) tungkol sa Enhanced Verification, hinihikayat namin na kumpletuhin ang prosesong ito sa pinakamaagang panahon.
Ang Enhanced Verification na isasagawa ay maaaring sa pamamagitan ng form o interview. Makikita po nila sa aming email ang mga detalye at panuto kung kailangan nila na ipasa ang form o kaya tumuloy sa isang interview.
Para sa form, pumunta sa link na ito:https://app.coins.ph/welcome/enhanced_verification
Para sa interview, kailangan nilang mag-book ng schedule sa link na ito:https://app.coins.ph/welcome/edd/interview_booking
Kapag na-confirm ng aming team sa inyo na kompleto na ang inyong naipasang form (with correct requirements), magsisimula ang aming processing time na 8-15 business days.
I-uupdate ulit kayo ng aming team sa nasabing processing time period tungkol sa final status ng inyong account.
Kung may katanungan pa po kayo, mangyaring makipag-ugnayan gamit ang aming contact form o kontakin kami gamit ang Coins app sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang na ito.