Sa loob ng 3 araw ang tagal ng pagproseso o processing time para sa ID verification at Address verification. Kung kakapasa lamang ng bagong ID o address document, bibilangin ang tagal ng pagproseso mula sa oras ng inyong pinakahuling submission.
Makatatanggap po kayo ng email kapag naproseso na po ito.
Paalala:
- Pinoproseso nang magkasama ang ID at selfie submissions. Tiyakin po na magpasa ng ID at selfie para ma-verify ng aming team ang inyong mga submission.
- Maipoproseso lang namin ang inyong level 3 address verification submission kapag level 2 ID at sefie verified na po kayo.
- Makakapag-cash in, makakapag-load, makakapagbayad ng bills, at makabibili ng game credits habang inaantay ang verification. Maaari ring magpadala o tumanggap ng pera sa inyong account (sa loob ng inyong mga account limits).
Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang aming tips para ma-verify ang inyong account.
Kung may katanungan po kayo patungkol sa inyong verification, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa help@coins.ph o kontakin kami gamit ang Coins app sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang rito.