Ang Bitcoin ay isang virtual currency na ginagamit upang makapagpadala ng pera ang mga tao kahit walang bank account.
Ito ay unang ipinakilala noong 2008 bilang isang open-source software.
Ang mga katangian ng Bitcoin
- Ang Bitcoin ay madaling makuha - Ang sinumang may access sa Internet ay maaaring makagamit agad ng Bitcoin. Ang pagrehistro para sa isang Coins.ph account ay libre, mabilis, at may kasamang ready-to-use na Bitcoin wallet.
- Ang Bitcoin ay kinikilala ng buong mundo - Ang Bitcoin na bibilhin dito sa Pilipinas ay pareho lang sa Bitcoin sa anumang panig ng mundo.
- Ang pagpadala ng Bitcoin ay mura at madali - Maaaring magpadala ng Bitcoin mula sa isang bahagi ng mundo patungo sa isa, at mura lang ang halaga ng pagpapadala nito, kumpara sa mga binabayaran para magpadala sa bangko o remittance center.
- Maaaring i-convert ang pera papuntang Bitcoin at Bitcoin papuntang pera - Ang mga serbisyo ng Bitcoin tulad ng online exchanges, peer-to-peer marketplaces, at Bitcoin ATMs ay pinapadali ang proseso ng pag-convert ng Bitcoin.
Gabay para sa mga magsisimulang matuto tungkol sa Bitcoin
Kung ikaw ay bago pa sa mundo ng Bitcoin at nais matuto pa tungkol sa paggamit nito, aming inirerekomenda na bisitahin ang mga sumusunod:
1. Panoorin: Weusecoins.com’s intro video
- Ang maikling palabas na ito ay ipinapakita ang mga benepisyo at konsepto ng mga wallet at ledger.
2. Tignan: Visual Capitalist’s Infographic
- Inilimbag ng Visual Capitalist ang infographic na ito na may titulong “Definitive History of Bitcoin”, na nagbibigay ng detalyadong paglalarawan sa kasaysayan ng Bitcoin, at ang kasalukuyang kalagayan ng Bitcoin.
3. Pakinggan: Freakonomics Radio Podcast
- Ang Freakonomics Radio, ang podcast nina Steven Levitt at Stephen Dubner, ay nagpalabas ng isang episode noong March 2014 na “Why Everybody Who Doesn’t Hate Bitcoin Loves it”. Ipinapakita nito ang basics ng Bitcoin at pinapag-usapan ang kaniyang mga kontrobersiyal na aspeto.
- Maaari pang mai-download ang episode na ito mula sa iTunes, o i-stream mula sa official website ng Freakonomics.
4. Basahin: Yevgeniy Brikman’s blog post
- Ang isang software engineer na nagngangalang Yevgeniy Brikman ay lumikha ng isang babasahin sa kaniyang blog na “Bitcoin by analogy” kung saan tinatalakay niya ang mga sumusunod na mahahalagang tanong ukol sa BItcoin:
- Ano ang nagbibigay ng halaga sa Bitcoin?
- Ano ang ibig sabihin ng pagiging “decentralized” currency ng Bitcoin?
- Paano gumagana ang Bitcoin mining?
- Pinapag-usapan din niya ang mga teknikal na aspeto na hindi nagiging masyadong teknikal, at binibigyang-linaw pa ang ibang mga katangian ng Bitcoin.