Upang makakuha ng Bitcoin. kinakailangang mayroon silang Coins.ph account at may laman ang inyong Coins.ph PHP wallet. Narito ang mga hakbang kung papaano makakakuha ng Bitcoin sa inyong Coins.ph account:
1. Mag-sign up para gumawa ng account.
Kailangan lamang magbigay ng valid email address o mobile number, at isang password para sa inyong account.
2. Pumili ng outlet para mag-cash in
Inirerekomenda namin na mag-cash in sa Palawan Pawnshop, M Lhuillier, o via InstaPay para matanggap ninyo agad ang pera pagkabayad nito. [BASAHIN: Saan ako makakapag-cash in?]
Paalala: Ang InstaPay at PESONet cash-in feature ay kinakailangang Phone, ID, at Selfie Verified ang inyong Coins.ph account bago makagamit o makatanggap gamit ang mga outlets na ito.
3. Magtungo sa pagbayad ng napiling outlet upang kumpletuhin ang transaksyon.
Mayroong mga tiyak na panuto (instructions) ang kanilang napiling outlet. Kung nais ninyong mag-cash in gamit ang GCash via InstaPay, narito ang halimbawa ng makikita nila:
4. Mag-convert ng Pesos patungo sa Bitcoin
Kapag nasa inyong wallet na ang pera, i-click ang Convert na mahahanap sa kaliwang banda ng main wallet screen para i-convert ang Peso patungo sa Bitcoin.
Ganun lanmang kadali! Awtomatikong maco-convert ang inyong pera at lalabas ang bagong balanse sa inyong Bitcoin (BTC) wallet.