Opo, sa pangkalahatan, may minimum at maximum allowable amount ang aming mga cash-in option sa bawat transaksyon.
Minimum:
Ang pinakamaliit na halaga na maaaring i-cash in para sa karamihan ng aming mga cash-in outlet ay 15 PHP.
Maximum:
Ang pinakamalaking halaga na maaaring i-cash in sa loob ng anumang 24-hour period (i.e. ang pinagsamang halaga ng lahat ng inyong cash in order) ay nakadepende sa natitirang daily cash-in limit ng inyong account. Maaari niyong pataasin ang mga limits na ito sa pamamagitan ng pagsumite ng verification request.
Bilang karagdagan, karamihan ng aming cash-in option ay may limit ng 50,000 PHP/transaction. Para mag-cash in ng halaga na nakahihigit dito, maaaring gamitin ang aming PESONet option.