Mabilis at simple lang ang pag-cash out gamit ang bank transfer!
Sa App
1. Sa homescreen, piliin ang Discover button sa ibabang panel. Piliin ang Cash Out sa ilalim ng All Services.
2. Mag-scroll pababa ng Cash Out options hanggang makita ang Banks. Maaaring pindutin ang View all options o kaya i-search sa Search Button ang bangko na inyong gagamitin sa Cash Out.
3. Ilagay ang halaga na nais niyong i-cash out at pumili ng service provider na available para sa iyong napiling bangko. Mabuting basahin ang naaayong fees sa bawat opsyon.
Pinoproseso ng InstaPay: Napoproseso agad-agad ang mga order.
Pinoproseso ng PESONet: Ipoproseso ang mga order na ginawa bago mag-ala una ng hapon (1PM, Lunes - Biyernes) bago mag-11:59 ng gabi (11:59 PM). Ang mga nahuling order ay ipoproseso sa susunod na banking day.
4. Ilagay ang pangalan at numero ng bank account sa Recipient Details. Maaari rin kayong maglagay ng mobile number para makakatanggap kayo ng SMS notification kapag naproseso na ang cash out:
Sa Web
1. Gamit ang web browser, pindutin ang Balance sa menu bar. Nakikita ang inyong balanse para sa bawat currency. Kung nais mong mag-cash out ng Peso, pindutin ang WITHDRAW sa kanang bahagi ng Peso balance.
2. Lalabas ang pop-up ng withdrawal options, piliin ang Cash Out.
3. Maaaring pumili ng bangko mula sa Top Picks o piliin ang View all options sa ilalim ng Banks. Maaari din kayong mag-search ng inyong pipiliin na bangko.
4. Ilagay ang halaga na nais niyong i-cash out at pumili ng service provider na available para sa iyong napiling bangko. Maiging basahin ang fees bago mag-cash out.
Pinoproseso ng InstaPay: Napoproseso agad-agad ang mga order.
Pinoproseso ng PESONet: Ipoproseso ang mga order na ginawa bago mag-ala una ng hapon (1PM, Lunes - Biyernes) bago mag-11:59 ng gabi (11:59 PM). Ang mga nahuling order ay ipoproseso sa susunod na banking day.
5. Ilagay ang pangalan at numero ng bank account sa Recipient Details. Maaari rin kayong maglagay ng mobile number para makakatanggap kayo ng SMS notification kapag naproseso na ang cash out:
Pagkatapos naming kumpletuhin ang transfer, may matatanggap kayong notification via SMS sa inilagay na mobile number. Maaari niyo nang i-verify na natanggap niyo ang buong halaga ng cash out sa pagtingin sa inyong balanse sa pamamagitan ng mga serbisyo ng inyong bangko--sa ATM, sa pag-login sa inyong online banking account, sa pag-update ng inyong passbook, o sa pagtawag ng inyong bank branch at pagsagawa ng balance inquiry.
Para sa real-time updates sa outlet na ito, maaaring tignan ang aming Status Page.