Paano makukuha ang claiming details
Matatanggap ninyo ang inyong claiming details mula sa M Lhuillier sa loob ng 10 minuto! Kapag nagawa na ninyo ang cash out, makikita po ninyo ang claiming details sa app. Ipapadala rin ito sa inyo via email at matatanggap din ito ng recipient via SMS.
Mga hakbang:
1. Pumunta sa cash out option > I-click ang Remittance Centers > Piliin ang M Lhuillier Cash Pickup
2. Ilagay ang halaga na nais ninyong i-cash out. Ito ang halaga na makukuha ng recipient.
Paalala: May 1% fee sa bawat M Lhuillier Express Cash Pick-up cash out. Kakaltasin ang fee kasama ng cash out amount. Minimum cash out ay PHP100 at ang maximum cash out ay PHP50,000 sa loob ng isang araw.
3. I-click ang next, tapos ilagay ang mga detalye ng recipient. Tingnan nang mabuti ang lahat ng detalye bago mag-“Slide to Pay”
Paalala: Siguraduhing pareho ang pangalan ng recipient sa cash out at ang pangalan na nasa ID na gagamitin ng recipient sa pagkuha ng pera sa branch.
4. Lalabas ang inyong claiming details sa app pagkatapos mag-Slide to pay. Kung hindi ito lumabas kaagad, maghintay ng ilang segundo. Matatanggap din ninyo ito sa email at matatanggap ito ng recipient via SMS.
Paalala: Ang pangalan ng sender ay ang Coins.ph customer na gumawa ng cash out
5. Matatanggap ng sender ang email notification at ipapadala ang text message sa recipient:
6. At tapos na po! Maaari nang pumunta sa saanmang M Lhuillier branch para kunin ang pera.
7. Maaari ring subaybayan ang status ng cash out sa pagpunta sa order sa inyong app o sa web.
- Order Placed - Natanggap na namin ang inyong cash out details
- Ready for Pickup - Makukuha na ang pera
- Claimed - Nakuha na ng recipient ang cash out
Ang kakailanganin sa pagkuha ng cash out
Kapag natanggap ang email o SMS na may claiming details, maaari nang pumunta sa isang M Lhuillier branch para kunin ang pera! Gayunman, siguraduhin muna na dalhin ang mga sumusunod, na hihingin sa inyo sa branch:
- Dalawang (2) valid IDs na may pangalan na magkapareho sa nakalagay ninyo/ng sender noong ipinadala ang pera
- Ang tracking number ng padala (tinatawag ding "KPTN")
- Ang pangalan ng padala sender
- Ang eksaktong halaga na inaasahang matanggap
Paraan ng pagkuha
Pagdating sa M Lhuillier branch, ipagpaalam sa attendant/teller na tatanggap kayo ng pera. Bibigyan kayo ng form na ipupunan.
Kung ito ang unang beses ninyo sa pagkuha ng pera mula sa M Lhuillier, hihilingin sa inyo na magpuna ng Information Data sheet.
Ito ay halimbawa ng information sheet:
Ipakita ang mga nasagutang form kasama ng mga valid ID sa teller, at antayin hanggang maproseso ang remittance. Karaniwang tumatagal ng 3 hanggang 5 minuto ang proseso.
Ibibigay ang cash sa inyo ng teller, kasama ng resibo.
Para sa real-time updates sa outlet na ito, maaaring tignan ang aming Status Page.