Paano makukuha ang claiming details
Matatanggap ninyo ang inyong claiming details mula sa M Lhuillier agad agad! Kapag nagawa na ninyo ang cash out, makikita po ninyo ang claiming details sa app. Ipapadala rin ito sa inyo via email at matatanggap din ito ng recipient via SMS.
Mga hakbang:
Sa Coins App
1. Mula sa Portfolio tab, iclick ang Withdraw.
2. Pillin ang Cash Out.
3. Magscroll pababa sa mga Cash Out option o gamitin ang search bar para makita ang Remittance Center section.
4. Ilagay ang Amount ng inyong transaction. Aming ipinababatid ang minimum na PHP 1,000 na kailangan para sa Remittance Center transaction.
5. Ilagay ang detalye ng inyong recipient. Pakisigurado na ang mga detalye na ibibigay ay pareho sa (2) valid IDs ng inyong recipient.
Kabilang sa mga detailye ang sumusunod:
- Recipient mobile number
- Recipient email address
- Recipient full name (first, middle and last names)
- Date of birth
- Recipient's address
6. Icheck ang detalye ng inyong transaction, at iclick ang Confirm.
7. Mangyaring ilagay ang lahat ng kailangang verification codes sa ilalim ng Security Check.
Note: Pagkabigay ng lahat ng kailangang verification code, ang Confirm button sa ibaba ay magiging itim. Kung nahihirapan sa pagtanggap ng codes, maaaring iclick ang Need help (?) button sa itaas, o tingnan ang aming Help Center article para sa karagdagang tulong.
Sa Coins Website
1. Maglog in sa inyong Coins account gamit ang inyong web browser. Pagtapos ay iclick ang Portfolio tab sa kaliwang bahagi ng inyong screen.
2. Sa ilalim ng Balances, piliin ang Peso at iclick ang inyong PHP wallet.
2. Sa susunod na tab, pindutin ang Cash Out sa kanang- itaas na bahagi ng inyong screen.
3. Maaari nang magpatuloy sa Remittance Center section at sa outlet na inyong nais.
4. Ilagay ang Amount ng inyong transaction. Aming ipinababatid ang minimum na PHP 1,000 na kailangan para sa Remittance Center transaction.
5. Ilagay ang detalye ng inyong recipient. Pakisigurado na ang mga detalye na ibibigay ay pareho sa (2) valid IDs ng inyong recipient.
Kabilang sa mga detailye ang sumusunod:
- Recipient mobile number
- Recipient email address
- Recipient full name (first, middle and last names)
- Date of birth
- Recipient's address
6. Icheck ang detalye ng inyong transaction, at iclick ang Confirm.
7. Mangyaring ilagay ang lahat ng kailangang verification codes sa ilalim ng Security Check.
Note: Pagkabigay ng lahat ng kailangang verification code, ang Confirm button sa ibaba ay magiging itim. Kung nahihirapan sa pagtanggap ng codes, maaaring iclick ang Need help (?) button sa itaas, o tingnan ang aming Help Center article para sa karagdagang tulong.
Ang kakailanganin sa pagkuha ng cash out
Kapag natanggap ang email o SMS na may claiming details, maaari nang pumunta sa isang M Lhuillier branch para kunin ang pera! Gayunman, siguraduhin muna na dalhin ang mga sumusunod, na hihingin sa inyo sa branch:
-
Dalawang (2) valid IDs na may pangalan na magkapareho sa nakalagay ninyo/ng sender noong ipinadala ang pera
-
Ang tracking number ng padala (tinatawag ding "KPTN")
-
Ang pangalan ng padala sender
-
Ang eksaktong halaga na inaasahang matanggap
Paraan ng pagkuha
Pagdating sa M Lhuillier branch, ipagpaalam sa attendant/teller na tatanggap kayo ng pera. Bibigyan kayo ng form na ipupunan.
Kung ito ang unang beses ninyo sa pagkuha ng pera mula sa M Lhuillier, hihilingin sa inyo na magpuna ng Information Data sheet.
Ito ay halimbawa ng information sheet:
Ipakita ang mga nasagutang form kasama ng mga valid ID sa teller, at antayin hanggang maproseso ang remittance. Karaniwang tumatagal ng 3 hanggang 5 minuto ang proseso.
Ibibigay ang cash sa inyo ng teller, kasama ng resibo.
Para sa real-time updates sa outlet na ito, maaaring tignan ang aming Status Page.