Kinakalkula ang katumbas na halaga na PHP (Philippine Peso) ayon sa halaga ng inyong BTC sa inyong wallet.
Sa gayon, palaging nagbabago ang halaga ng PHP, dahil nagbabago ang katumbas na halaga na Peso kapag nagbabago ang presyo ng BTC.
Ang napapanatili ay ang halaga ng BTC sa inyong wallet.
Kung may mapapansin kayong di-inaasahang pagbabago sa halaga ng inyong BTC, mangyaring puntahan muli ang inyong transaction history (https://coins.ph/history) para suriin ang mga incoming at outgoing BTC transfers na ginawa mula sa inyong wallet.
Kung kailangan niyo ng tulong sa pag-identify sa inyong mga transfers, maaaring mag-iwan ng mensahe rito para ma-assist namin kayo ng tuluyan.