Alam mo ba na maaari kang makatanggap ng Peso at crypto sa inyong Coins wallet?
Ito ang mga hakbang upang magawa iyon:
- Pagtanggap ng Peso gamit ang QR code
- Pagtanggap ng cryptocurrency gamit ang QR o wallet address
Pagtanggap ng Peso gamit ang QR code
Pindutin ang QR icon sa kanan na itaas na bahagi ng app at pindutin ang "My Code" sa baba ng screen.
Maaaring ipakita o i-send ang QR na ito sa inyong sender basta't sila ay may online bank account o e-wallet. Maaari mo ring ilagay ang halaga ng Peso na inyong tatanggapin upang maging madali para sa sender. Pindutin lamang ang tatlong tuldok sa kaliwang itaas na bahagi at piliin ang "Set specific amount".
Pagtanggap ng cryptocurrency gamit ang QR o wallet address
Pagkatapos ng mga hakbang sa itaas, sa "My Code" QR page, pindutin ang Receive currency button sa taas upang mapili ang cryptocureency na plano ninyong tanggapin.
Isa pang paraan na makita ang mga wallet address ay ang pagpindot ng "Receive" sa crypto chart page.
Mahalagang alalahanin na basahing maigi ang disclaimer ng bawat wallet address. Intindihin mabuti ang mga maaaring tanggapin na token at ang mga bawal. Para ito sa inyong proteksyon upang maiwasan ang pagkawala ng crypto.
Kung mayroon pang ibang katanungan o concern, maaaring magpadala sa amin ng email sa help@coins.ph o magpadala sa amin ng mensahe mula sa Coins.ph app. Para malaman kung paano makakapagpadala ng in-app na mensahe, mangyaring bisitahin ang link na ito.