May dalawang (2) paraan para makatanggap ng pera sa inyong Coins.ph wallet:
- Pagtanggap ng pera gamit ang inyong Coins.ph wallet addresses
- Paggawa ng Payment Request
Para sa step-by-step na panuto, i-click ang "Click here" na makikita sa bawat opsyon.
Pagtanggap ng pera gamit ang inyong mga Coins.ph wallet addresses
Maaari kayong makatanggap ng pera sa pamamagitan ng pagbigay ng inyong wallet address sa sender. Kung binigay ninyo ang inyong Bitcoin (BTC) wallet address, makakatanggap kayo ng Bitcoins sa inyong Bitcoin wallet sa oras na makumpirma ito sa blockchain.
Nahihirapan hanapin ang inyong wallet address? I-click lamang ito.
Paggawa ng Payment Request
Maaari kayong magpadala ng Payment Request kahit kanino! Sa oras na makumpleto nila ang kanilang payment sa kahit saang 7-11, M Lhuillier, o Cebuana branch, o gamit din ang kanilang Coins.ph account, awtomatikong matatanggap ang pera sa inyong Coins.ph wallet.
Upang matuto nang higit pa tungkol sa Payment Request, i-click lamang ito.
Kung mayroon pang ibang katanungan o concern, maaaring magpadala sa amin ng email sa help@coins.ph o magpadala sa amin ng mensahe mula sa Coins.ph app. Para malaman kung paano makakapagpadala ng in-app na mensahe, mangyaring bisitahin ang link na ito.