Kung interesado kayo na gamitin ang Coins.ph para sa inyong negosyo, hinihikayat namin kayo na gawing Business Verified ang inyong account.
Para gawin ito, kinakailangang ID and selfie verified at address verified muna ang inyong account. Magagawa niyo po ito sa aming Limits and Verifications page.
Dapat mafill up-an ninyo ang tatlong forms sa ibaba:
1) Identity and Selfie Verification - para sa taong gagamit ng account or account operator
2) Address Verification - para rin sa taong gagamit ng account or account operator
3) Business Verification - dito niyo ipapasa ang business documents and kasagutan sa mga tanong tungkol sa inyong negosyo
Pakitandaan na bago makakapag-apply ng Business Verification, dapat address verified na ang inyong account. Aming Business Development team ang magsusuri ng inyong submission at makikipagugnayan sa inyo matapos nila mareview ang inyong request.
Kung within 24 hours ang pagpoproseso sa ID and selfie, at address verification, paalala na umaabot naman ng 5-7 working days ang business verification.
Para sa karagdagang impormasyon, tumungo sa: Paggamit ng Coins.ph sa Negosyo
Kung may katanungan or isyu habang ginagawa ang proseso na ito, maaaring magsend ng message mula sa app o website.