Gumagamit ang Coins.ph ng hosted wallet set-up para sa XRP. Ibig sabihin nito na magkapareho ang XRP deposit address nila sa mga ibang Coins.ph account maliban sa destination tag (o kilala rin bilang memo).
Isang unique identifier ang destination tag ng XRP wallet ng inyong account at ito ang ginagamit para maikredito nang awtomatiko ang mga deposito sa wallet nila.
Ang ganitong hosted wallet set-up ay pamantayan sa industriya na nakakatulong sa amin sa integrasyon ng kanilang wallet sa aming mga sistema para mapakinabangan ang mga features sa Coins.ph platform.
Maaari nilang napansin din na kapag nagpapadala ng XRP mula sa kanilang Coins.ph account, nangagaling ang transfer mula sa wallet address na: rNwUcrxYiTZ5cRAuEQVuQGDb7miaPRBVAd. Alinsunod dito, huwag magpadala ng XRP sa wallet address na iyon.
Para malinaw, gumagamit ang aming operations team ng ibang wallet para ipadala ang kanilang pondo sa mga ibang exchange / platform. Tandaan na iba ito sa XRP wallet address na ginagamit para tumanggap ng mga incoming deposit.
Kaya, mawawala ang pondo kapag nagpadala ng anumang token sa rNwUcrxYiTZ5cRAuEQVuQGDb7miaPRBVAd.