Kapag magpapadala ng XRP sa external wallet, importante na ilagay ang wallet address at destination tag (kung mayroon) ng recipient para matanggap niya ang pondo.
Sundin ang mga sumusunod na hakbang upang magpadala ng XRP mula sa Coins.ph app:
1. Pindutin ang wallet balance icon sa ibabang bahagi ng screen. Piliin ang Send at pindutin ang Send Crypto.
2. Piliin ang nais nilang opsyon sa pagpapadala. Sa mga external transfer, siguraduhin na nilagay ang tugmang destination tag para magtagumpay ang transfer. Kung walang destination tag ang tatanggap, itsek ang box. [BASAHIN: Pwede ba ako magpadala sa XRP wallets na walang destination tag?]
3. Tingnan nang mabuti ang lahat ng mga detalye bago kumpirmahin ang transaksyon. Pagkatapos, pindutin ang confirm at hintayin ang txid na lalabas na magsisilbing patunay ng inyong payment!
Paalala:
Kung hindi makita o walang ibinigay na destination tag, mainam na kausapin ang tatanggap o ang receiving wallet platform para linawin. Kung hindi ka sigurado, mas mabuting magpalinaw kasi kung kailangan ilagay ang destination tag at hindi ito inilgay, permanenteng mawawala ang inyong pondo.
Para tumanggap ng XRP:
1. Pindutin ang wallet balance icon sa ibabang bahagi ng screen. Piliin ang Receive at pindutin ang Deposit Crypto.
2. Piliin ang XRP mula sa listahan at lalabas ang screen kung saan makikita ang inyong XRP Wallet Address, Destination Tag, at QR Code.