Ang Ripple ay isang sistema ng real-time gross settlement, palitan ng pera, at remittance network. Hindi katulad ng Bitcoin, kung saan kailangan ng mga miner para mag-validate ng mga network transactions, gumagamit ang Ripple ng mga mapagkakatiwalaang listahan ng server para magproseso ng mga transaksyon.
Kinikilala rin ito bilang Ripple Transaction Protocol (RTXP), o Ripple Protocol lamang.
XRP ang currency na ginagamit sa loob ng Ripple. Nagsisilbi itong central/bridge currency na nagpapahintulot sa dalawang partido na makipagpalitan nang direkta sa isa't isa, kung saan tagapamagitan o "tulay" ang Ripple. Ayon sa Ripple, kayang mangasiwa ang kanyang network ng 1,500 transaksyon bawat segundo, kung saan maaayos ang isang transksyon sa loob ng apat na (4) segundo.