Maaaring tiyakin kung ang receiving wallet platform ay nangangailangan ng destination tag upang masiguradong matatanggap ito. Kung sakaling hindi naglagay ng destination tag at required pala ito, posibleng mawala ang XRP na ipinadala.
Ang destination tag ay karagdagang impormasyong kasama sa mga transaksyon ng XRP. Nakatutulong ito para malaman kung kanino mapupunta ang transaction, tulad ng bank reference.
May ilang mga wallets tulad ng Poloniex at Gatehub na hindi nangangailangan ng destination tag sa pagpadala ng XRP, ngunit mas madalas na kailangan ito. Halimbawa, kapag sa Kraken at Bittrex, kailangan may destination tag sa pagpadala ng XRP sa kanilang wallet.