Upang makatanggap ng XRP sa kanilang Coins.ph wallet, kailangan nilang ilagay ang tamang destination tag pati ang kanilang hosted XRP wallet address - na makikita nila sa Coins.ph app.
Kung mali ang inilagay na destination tag, maaaring mapadala ang XRP nila sa ibang user.
Kung sakaling mali ang inilagay nilang destination tag, pakikontak kami at ibigay ang mga sumusunod na detalye:
- Transaction hash, TXID o Hash link ng incoming transfer;
- Ang ginamit nilang platform sa pagpapadala (kung saan nanggaling ang transfer), at
- Screen recording o video mula sa withdrawal history ng inyong sending platform
Kapag naibigay na ang mga ito sa amin, mag-iimbestiga ang aming team at susubukan naming bawiin ang inyong XRP.
Dahil karagdagang suporta lang ito na inaalok ng Coins.ph, tandaan na nasa amin ang desisyon kung susubukan ang pagbabawi at hindi namin magagarantiya ng matagumpay na pagbabawi. Kung matagumpay ang recovery, may sisingilin na bayad para sa serbisyong ito.
Tandaan ng lahat ng mga cryptocurrency transaction na dumadaan sa blockchain ay karaniwang pinal at hindi na mababawi - kaya, lubos naming pinapayuhan ang aming mga customer na mag-ingat at ilagay ang tamang impormasyon kapag gumagawa ng mga blockchain transfer.