Mahalaga para sa amin na kumpirmahin ang inyong identity gamit ang isang valid ID sapagkat dahil dito napapanatili naming secure ang inyong account sa ilalim ng aming mga lokal na regulasyon.
Ito po ang aming listahan ng mga valid government IDs na maaari ninyong gamitin para sa ID verification:
- Passport
- Driver's License
- Social Security System (SSS) Card (date of birth must be visible on the ID)
- Professional Regulation Commission (PRC) ID
- Postal ID
- Unified Multi-Purpose ID (UMID)
- Philippine Identification System (PhilSys) ID
Para sa mga customers ng taga-ibang bansa, maaari lang po gamitin ang inyong international passport para maka-comply sa mga regulasyon ng Pilipinas.
Kung kayo ay may asawa o nagpalit ng pangalan, mangyaring magpasa rin po ng mga supporting documents tulad po ng inyong original PSA/NSO issued marriage certificate o birth certificate, respectively, para ma-verify ang inyong ID.
Pakitandaan na tumatanggap lang kami ng mga indibidwal na 18 taong gulang pataas sa aming platform.
Para sa karagdagang tips upang ma-verify ang inyong account, pumunta lamang sa link na ito.
Paano kung wala akong acceptable ID?
Kung wala kayong valid ID mula sa aming listahan, hindi pa namin maaaring i-verify ang inyong account. Ang mga valid ID na nakapangalan sa ibang tao ay hindi rin tinatanggap dahil ang Coins.ph account ay strictly personal at non-transferable.
Paalala: Kahit hindi pa kayo ID and selfie verified, puwede na mag Buy Load, Pay Bills, Mag-send o Receive funds sa ibang accounts via wallet transfer at mag Cash In sa mga piling outlets:
- Palawan Pawnshop
- MLhuillier
- Cebuana Lhuillier
- Posible.net
- PeraHub
- TouchPay™
- eTap Deposit
Kung may katanungan po kayo patungkol sa inyong available IDs, maaari niyo po kaming kontakin ngayon sa Coins app o sa help@coins.ph.