Magiging mas mahirap gamitin at di-gaanong epektibo ang mga sistema kapag may access sa individual private key. Sinadya na maging hosted wallet ang Coins.ph platform, kung saan makakagawa, makakapagpadala, makakapagtanggap, at makakapaggamit ang mga customer ng kanilang digital currencies nang mas maayos.
Mayroong mga mapagkakatiwalaang private key wallets sa merkado at magandang paraan ang pagtago ng digital currencies sa mga produktong ito para mas kontrolado ninyo ang inyong holdings. Ipadala lamang ang tokens mula sa inyong private key wallet sa Coins.ph kung gusto ninyong magamit ang mga iba't ibang serbisyo ng Coins.ph.