Kapag magpapadala ng XRP sa external wallet (hindi Coins.ph account), may mga wallets na nagtatakda ng wallet address at destination tag. Mahalagang maalalang ilagay ang destination tag kasama ang wallet address kapag magpapadala sa external wallet dahil ito ang mga natatanging detalye upang ma-credit sa wallet ng inyong recipient.
Upang makapagpadala ng XRP, sundan ang mga steps na ito:
1. Buksan ang inyong Coins.ph app at puntahan ang inyong XRP wallet. Makikita ito sa itaas na kanan mula sa inyong screen (o i-swipe ang screen pakanan). Pindutin ang Send. [Basahin: Paano gumawa ng XRP wallet? ]
2. Piliin ang angkop na opsyon upang ipadala ang inyong pera. Para sa external transfers, siguraduhing may nakalagay na Destination Tag sa ipapadalang XRP upang tiyak na ito ay matatanggap ng inyong recipient. [Basahin: Pwede ba ako magpadala sa XRP wallets na walang destination tag?]
3. I-review ang mga detalye nang maigi. Kapag tiyak na sila sa mga ito, maaari na nilang pindutin ang Send XRP at hintayin ang hashlink na i-gegenerate ng system. Ito ang magsisilbing proof of payment sa naganp na transfer.
Upang makatanggap ng XRP:
1. Buksan ang inyong Coins.ph app at puntahan ang inyong XRP wallet. Makikita ito sa itaas na kanan mula sa inyong screen (o i-swipe ang screen pakanan). Pindutin ang Receive.
2. May makikita silang prompt na pinaaalalahanang maglagay ng Destination Tag kapag magpapadala ng XRP. Pindutin ang Show my XRP Address upang ma-redirect sila sa panibagong window kasama ng inyong XRP Wallet Address, Destination Tag, at QR Code.
Paalala:
Kung ang destination tag ay hindi agad nakita o hindi nabigay, mas mainam na tanongin at iklaro ito sa inyong recipient kung may destination tag ang kanilang wallet. Kung hindi kayo sigurado, mas mabuting tiyakin ang mga detalye ng papadalhan para hindi mawalan ng pera o madelay ang pagpadala.