Opo, maaaring magpadala ng pera sa kahit sinong may mobile number o email address, kahit wala pa silang Coins.ph account.
Para matanggap ng inyong recipient ang pera, kailangan lamang na mag-sign-up gamit ang mobile number o email address na inyong pinadalhan. Kung hindi siya makakapagsign-up sa loob ng limang (5) araw mula sa araw na ginawa ang transaksyon, babalik ang pera sa inyong Coins.ph wallet.
Paalala: Karaniwang hindi na naibabalik ang mga transaksyon ng Coins.ph. Mangyaring siguraduhing tama ang mga detalye ng recipient bago magpadala ng pera.
Kung mayroon pang ibang katanungan o concern, maaaring magpadala sa amin ng email sa help@coins.ph o magpadala sa amin ng mensahe mula sa Coins.ph app. Para malaman kung paano makakapagpadala ng in-app na mensahe, mangyaring bisitahin ang link na ito.