Para sa seguridad ng lahat ng Coins.ph customers, mahalaga na wasto at up-to-date ang KYC information. Paminsan-minsan, maaari kaming humingi ng request sa customer na i-update ang kanilang KYC information.
Maaaring kailanganin ang pag- update ng inyong Coins account information sa mga sumusunod na sitwasyon gaya ng:
-
Ang nasubmit na ID para sa verification ay expired na
-
Ilang detalye ng inyong account ay out of date na
Mahalaga na wasto at up-to-date ang inyoung account information para masiguro ang seguridad ng inyong account. Maliban sa seguridad, ang pag-update ng inyong mga detalye ay makakasiguro na makakatanggap ka ng mahahalagang paalala at mensahe mula sa Coins.ph. Patuloy niyong magagamit ang aming mga serbisyo nang walang abala.
Paano ang pag-update ng Coins account information?
Kapag natanggap ang notipikasyon ukol sa pag- update ng inyong account, mangyaring maglabas ng valid government-issued ID (buong listahan ng valid IDs dito) at magpatuloy sa mga panuto:
Step 1: Pindutin ang notipikasyon at ang Submit info
Buksan ang Coins app at piliin ang Submit Info sa notipikasyon.
Maaari ring pindutin ang Start Verification sa Identity Verification section ng inyong app.
Step 2: Kumpirmahin ang Personal na Detalye
Makikita ang buong pangalan at petsa ng inyong kaarawan na nakarehistro sa inyong account. Mabuting tignan ang mga detalye lalo na ang spelling at petsa. Kung tama ang lahat, pindutin ang "Confirm".
Step 3: Mag-upload ng updated valid ID
Mangyaring magsubmit ng updated valid ID kung ang inyong personal details ay naupdate.
Ang updated valid ID ay maaaring di na kailanganin kung ang naisubmit na ID sa Identity Verification ay walang expiration.
Kapag naupload na ang inyong valid ID, kailangan ng isang (1) business day upang mareview ng aming team. Makakatanggap ng notipikasyon sa app at email kapag ito ay naproseso na.
Kung kumpleto at natanggap ang inyong submission, mapapanatili and inyong verification level at account limits.