Ano ang wallet address?
Ang wallet address ay isang natatanging string ng mga numero at letra na kumakatawan sa iyong cryptocurrency wallet. Maaari niyong isipin ang inyong wallet bilang bank account ninyo. Ang bawat uri ng cryptocurrency ay may kanya-kanyang format ng wallet address, kaya't siguraduhing tama ang napiling token wallet bago magpadala o tumanggap ng mga pondo.
Hakbang para makita ang inyong Wallet Address
Option 1: Mula sa Portfolio Tab
- Mula sa inyong Coins account, magtungo sa Portfolio tab
- Iclick ang Deposit
- Piliin ang Receive Crypto
- Piliin ang inyong nais na cryptocurrency (BTC, ETH, atbp.)
- Piliin ang tamang network
- Ang inyong wallet address ay ipapakita bilang QR Code at text string.
Option 2: Mula sa Scan QR
- Mula sa Home tab ng Coins app, piliin ang QR icon sa kaliwang itaas na sulok
- Iclick ang My Code sa kaliwang ibaba na parte ng sumunod na screen
- Pindutin ang Receive *** sa itaas
- Piliin ang inyong nais na cryptocurrency (BTC, ETH, atbp.)
- Ang inyong wallet address ay ipapakita bilang QR Code at text string.
Tips sa Paggamit ng Wallet Addresses
- Magdouble-check ng address: Palaging iverify ang kumpletong address bago ito ishare
- Compatibility ng Network: Siguraduhin ang paggamit ng tamang network sa inyong trasnaction
- Share feature: Gamitin ang Share option upang ma-copy paste, download o share sa inyong social media accounts ang inyong QR code
Frequently Asked Questions
Iba ba ang wallet address para sa iba't ibang cryptocurrency?
Ang bawat cryptocurrency (Bitcoin, Ethereum, USDT) ay may sariling unique na wallet address. Icheck ang tamang wallet address sa pagsunod sa steps sa itaas.
Maaari bang baguhin ang aking wallet address?
Ang address na makikita sa inyong account ay di na maaaring baguhin. Laging suriin ang inyong address bago magpadala o tumanggap ng pondo.
Paano kung magkamali ako sa pagkopya ng wallet address?
Mag-ingat sa pagkopya, dahil ang mga transactions ay final at di na mababago at maitatama. Gumamit ng copy-paste function o scannable QR code para maiwasan ang mga pagkakamali.