Sa Coins.ph, mayroong mabilis, madali, at ligtas na paraan para bumili at magbenta ng mga sinusuportahang cryptocurrencies sa pamamagitan ng Convert feature.
Narito ang mga hakbang para palitan ang mga cryptocurrencies na ito patungo sa Philippine Peso (PHP) at bise-bersa:
- Pindutin ang Convert icon sa inyong main wallet screen.
- Piliin ang inyong source currency (ang currency na ico-convert) at ang target currency (ang currency kung saan patungo ang ico-convert).
- Ilagay ang halaga na nais ninyong i-convert o palitan.
- I-slide ang button para ma-convert, at maco-convert agad ang pera!
Kung ginagamit ninyo ang Mobile App, narito ang mga hakbang para gamitin itong feature:
1. Pindutin ang Crypto icon sa menu bar.
2. Mula sa inyong 'Crypto' section, pindutin ang Convert button na makikita sa itaas na bahagi ng inyong app.
3. Piliin ang inyong source currency (ang currency na ico-convert) at ang target currency (ang currency kung saan patungo ang ico-convert).
Sa halimbawa sa taas, PHP ang source currency, habang BTC naman ang target currency.
4. Ilagay ang halaga na nais ninyong i-convert.
Tip: Maaari ninyong pindutin ang "Convert all" kung nais ninyong palitan ang lahat ng pera ninyo sa source currency wallet.
5. I-slide ang button sa ibaba ng pahina, at agad-agad mapapalitan ang pera!