Ang mga mining fees ay fees na ibinabayad ng Coins.ph para sa mga miners na nagtatala ng mga transaksyon sa blockchain. Sa bawat oras na magpapadala kayo ng pera sa isang external cryptocurrency wallet, nagbabayad kami ng maliit na mining fee para mapangasiwaan ang wallet transfer.
Sa pangkalahatan, kung mas mataas ang bayad, mas mabilis matatala ng mga miners ang inyong transaksyon sa blockchain. Para sa mga BTC at BCH transfers, mayroon kaming tatlong antas ng fee: Low, Medium, at High. Ang mga customer ay nabibigyan nito ng opsyon na magbayad ng mas mataas na fee para mapabilis ang pagproseso ng kani-kanilang transaksyon.
Para naman sa ETH, XRP, at ERC-20 token transfers, isa lang ang ino-offer naming fee option. Tignan ang seksyon sa ibaba para sa higit pang impormasyon kung paano nakakalkula ang mga fee na ito.
Mga Mahahalagang Paalala:
- Mayroon lamang fee kapag nagpapadala ng pera mula sa inyong Coins.ph wallet patungo sa isang external wallet. Walang fee para makatanggap ng cryptocurrency transfer sa inyong Coins.ph wallet.
- Hindi napupunta ang bayad sa Coins.ph; napupunta ito sa mga miners/network para pagpoproseso ng transaksyon.
- Maaaring tumaas ang bayad paminsan-minsan kung mataas ang load sa network.
Paano nakakakula ang fee sa bawat cryptocurrency:
- Bitcoin (BTC) - batay sa mga current market rates na sinisingil ng mga miner para magtala ng transaksyon sa blockchain
- Ether (ETH)* - gas price x gas limit (karagdagang impormasyon)
- Bitcoin Cash (BCH) - batay rin sa mga current market rates, gaya ng BTC
- XRP - 0.25 XRP ang pinakamababang transaction cost
*Ang mga ERC-20 tokens ay pinoproseso sa ilalim ng Ethereum blockchain kaya ang kani-kanilang fees ay kinakalkula sa parehong paraan
Sinusubaybayan ng aming team ang mga presyo at ibinabago ang mga fee palagi para mapanatiling mapagkumpitensya ang aming mga transaksyon.