Aming ipinababatid na ito ay karagdagang requirement sa ating standard KYC (Know Your Customer) procedure upang masiguro na ang inyong account information ay mananatiling accurate, up-to-date, at secured. Ito ay hiwalay sa inyong ID at Selfie submission, at Enhanced Verification submission.
Kung makatanggap ng prompt sa inyong Coins.ph app upang magbigay ng valid proof of address, aming inirerekomenda ang pagcomply sa lalong madaling panahon upang patuloy na magamit ang ating services.
Narito ang sumusunod na steps sa pagkumpleto ng inyong Enhanced Verification:
1. Iclick ang Submit Documents o Try Again sa ilalim ng Identity Verification.
2. Piliin ang document na magpapakita ng inyong kasalukuyang address sa sumusunod na list.
3. Pindutin ang Upload Image upang makuha ang litrato ng inyong napiling document. Ilang mahalagang reminders sa pag-upload ng inyong document:
- Kailangang ang document ay issued sa loob ng 6 na buwan.
- Ang file na iaupload ay malinaw.
- Ang valid IDs at non-address documents ay di tinatanggap.
Pagkaupload, mangyaring iclick ang Submit button sa ibaba upang magpatuloy.
4. Sagutan ang mga tanong ukol sa inyong monthly income, estimated monthly transaction at volume.
5. Piliin ang mga banko kung saan kasalukuyang may active accounts.
6. Iupload ang document na sumusuporta sa inyong declared source of income mula sa provided list. Pagka-upload, mangyaring iclick ang Submit button sa ilalim upang magpatuloy.
Ang processing time na 8- 15 business days ay magsisimula pagkaconfirm ng pagkumpleto ng inyong requirements. Kayo ay makakatanggap ng email at notification sa app kapag ang inyong submission ay naproseso na, at kayo ngayon ay Identity verified na.