Para makatanggap ng mga XRP transfer sa inyong Coins.ph wallet, palaging kailangang ilagay ang tamang destination tag kasama ng inyong hosted XRP wallet address (rU2mEJSLqBRkYLVTv55rFTgQajkLTnT6mA).
Gayunman, kung mali ang nailagay na destination tag o nakalimutang ilagay ang destination tag, pakibigay ang sumusunod sa amin sa request form na ito o sa Coins.ph app:
- Transaction hash o Hash link ng incoming transfer;
- Ang sending wallet platform na ginamit ninyo, at
- Screen recording o Video mula sa withdrawal history ng inyong sending platform
Kapag naisumite na ninyo ang inyong mensahe, tutugunan ito ng aming team sa loob ng 24 oras.