Sa loob ng 3 araw ang haba ng pagproseso para sa ID at Selfie o Proof of Income verification. Kung nagpasa kamakailan lamang ng bagong ID o address document, bibilangin ang tagal ng pagproseso mula sa oras ng inyong pinakahuling submission.
Makatatanggap ng email o SMS kapag ito ay naproseso na.
Paalala:
- Pinoproseso nang magkasama ang ID at selfie submissions. Tiyakin po na magpasa ng ID at selfie para maverify ng aming team ang inyong mga submission. Dito para sa kumpletong listahan ng accepted na valid IDs.
- Maipoproseso lang namin ang inyong Enhanced verification submission pagtapos ng ID at sefie verification.
- Maaari nang mag cash in, buy load, at pay bills habang naghihintay ng inyong verification.
Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang aming tips para ma-verify ang inyong account.