Resulta ng mga blockchain lags ang mga delays sa pagkumpira ng mga transfers. Dahil dito, nangangailangan ng oras para magpakita ang mga incoming/outgoing transactions sa Coins.ph dashboard. Maaari ninyong tingnan ang bilang ng blockchain confirmations sa pamamagitan ng transaction hash link.
Narito ang paraan kung paano niyo mahahanap ang transaction hash mula sa inyong Coins.ph account:
Sa pamamagitan ng app
1. Hanapin ang transaksyon sa inyong wallet history.
2. Pindutin ang Show External Reference.
3. Malilipat kayo sa hash link ng inyong transaksyon. Mahahanap ang bilang ng blockchain confirmations sa ibaba ng screen.
Sa pamamagitan ng Web
1. Hanapin ang transaksyon sa inyong wallet history.
2. Pindutin ang Show Blockchain Record.
3. Malilipat kayo sa hash link ng inyong transaksyon. Mahahanap ang bilang ng blockchain confirmations sa ibaba ng screen.
Bihira ang mga blockchain lags, pero kung napansin po ninyo na hindi pa pumapasok ang transfer sa inyong wallet balance pagkatapos ng isang oras, mag-iwan po lamang ng email sa help@coins.ph gamit ang inyong registered email address para masuri namin ito para sa inyo at siguraduhin na lahat ay naisaayos.
Nangangailangan ng iba't ibang bilang ng kumpirmasyon ang mga blockchain ng bawat cryptocurrency para pumasok sa inyong wallet. Bilang talaan:
- Kailangan ng mga Bitcoin transactions ng 6 na kumpirmasyon
- Kailangan ng Bitcoin Cash transactions ng 25 kumpirmasyon
- Kailangan ng Ethereum transactions ng 20 kumpirmasyon
- Kailangan ng XRP transactions ng 6 na kumpirmasyon
Kapag nakumpirma na ito ng kinakailangang beses mula sa blockchain nito, papasok na dapat ang halaga sa inyong account.
Kung mayroon pang ibang katanungan o concern, maaaring magpadala rin sa amin ng mensahe mula sa Coins.ph app. Para malaman kung paano makakapagpadala ng in-app na mensahe, mangyaring bisitahin ang link na ito.