Ang pag-cash in gamit ang GCash papunta sa inyong Coins.ph wallet ay isang mabilis at madaling proseso
Mga Kailangan bago mag- Cash in
Bago ka magsimula, siguraduhin na ang iyong Coins.ph account ay:
- Level 2 Verified: Kailangan mong magkaroon ng valid ID at selfie verification upang magkaroon ng sapat na cash in limit.
- Mobile Number Verified: Tiyakin na ang iyong mobile number na magsisilbing account number ay nakaregister sa iyong Coins.ph account.
Hakbang sa pag-Cash in gamit ang GCash
1. Buksan ang GCash App
- Buksan ang GCash app.
- I-click ang Bank Transfer mula sa pangunahing menu.
2. Piliin ang DCPay Philippines, Inc. (Coins.ph)
- Mula sa listahan ng mga transfer options, piliin ang DCPay Philippines, Inc. (Coins.ph).
3. Ilagay ang mga Detalye
- Para sa Account Number, ilagay ang mobile number na konektado sa iyong Coins.ph account.
- I-input ang halaga ng pera na nais mong i-transfer.
4. Kumpirmahin at I-send
- Suriin ang lahat ng impormasyon upang matiyak na tama ito.
- I-click ang Confirm upang tapusin ang transaksyon.
Mahalagang Tips
- Siguraduhing tama ang account number
- Suriin ang sapat na balanse sa GCash
- Magkaroon ng maaasahang internet connection
Frequently Asked Questions
Gaano katagal bago pumasok ang pera sa aking Coins.ph wallet?
Karaniwan, ang mga pondo mula sa GCash, gamit ang InstaPay, ay darating sa iyong Coins.ph wallet nang hindi lalampas ng 10 minuto pagkatapos makumpleto ang transfer.
May bayad ba ang pag-cash in gamit ang GCash?
Maaaring mayroong minimal na bayad na hihingiin ang GCash para magcash out mula sa kanilang wallet. Ang pagtanggap sa Coins.ph sa kabilang banda ay walang dagdag na bayad.
Paano kung may problema ako habang nagka-cash in?
Kung nakakaranas ka ng problema, makipag-ugnayan sa customer support ng Coins.ph para makakuha ng tulong.