Ito ang mga hakbang na pwede mong gawin para pantilihing ligtas ang inyong Ether sa Coins.ph at sa ibang mga wallets:
Gamitin ang two-factor authentication (2FA)
Tawag na 2FA o two-step verification. Ito ay isang security protocol kung saan may dagdag na verification procedure para sa seguridad ng inyong account. Sundan ang guide na ito para magamit ang 2FA sa inyong Coins.ph account.
Gumamit ng matibay na password
Ang isang matibay na password ay dapat merong man lang sampung (10) character, kumbinasyon ng upper-case at lower-case na letra, numero, at mga special character tulad ng "%" o "&."
Huwag mong ibigay sa iba ang inyong password o verification codes para sa account mo
Huwag na huwag ibibigay sa kahit pa sino ang inyong password para sa inyong Coins.ph account o hayaan ang ibang tao na gumamit ng inyong Coins.ph account.
Para sa karagdagan pang security tips, basahin ang amint artikulo kung paano panantalihing ligtas ang inyong Coins.ph wallet.