Ito ang mga hakbang na kailangang sundan kapag magpapalit ng inyong email address:
Gamit ang Mobile App
Sa mobile app, pindutin ang user icon sa upper left, at may lalabas na menu. I-click dito ang Settings at ito ang lalabas.
Piliin ang Palitan ang email, at sa susunod na screen ilagay ang email address na gustong gamitin:
Matatanggap ang verification code sa bagong email address na nilagay ninyo at kakailanganin ang verification code na ito para mapalitan ang inyong email address.
Para sa seguridad ng inyong account, magkakaroon ng 72 na oras na delay bago mag-reflect ang bagong email address sa inyong account. Matapos ang nasabing time window, matatanggap niyo na ang lahat ng notifications sa bagong email address.
Gamit ang Web Browser
Sa web browser, buksan ang inyong Coins.ph account. Sa itaas na kanang bahagi ng inyong browser, pindutin ang drop-down menu na katabi ng inyong pangalan, at piliin ang Account Settings.
Sa ilalim ng Email, pindutin ang “Change email” at ilagay ang email address na gusto ninyong ipalit. Matatanggap ang verification code sa bagong email address na nilagay ninyo at kakailanganin ang verification code na ito para mapalitan ang inyong email address.
Buksan ang inyong email account para makita ang verification code. Pagkatapos, bumalik lamang sa Coins.ph page para ilagay ang verification code na natanggap.
Kapag may hindi malinaw o may iba pang katanungan, wag mag-atubiling mag-mensahe sa help@coins.ph.