Ang presyo ng cryptocurrency ay nakabatay sa market demand at naaayon sa halaga na itatakda ng mga bumibili at nagbebenta nito. Wala sa kontrol ng Coins.ph ang presyo ng cryptocurrencies. Mahalagang alalahanin na ang halaga ng mga cryptocurrency ay pabago-bago at madaling bumaba't tumaas sa kahit na anong oras.
Maaari mong mapansin na magkaiba ang presyo ng cryptocurrency sa ibang mga plataporma kumpara sa Coins.ph. Sa kadahilanang iba't-iba ang presyo ng fees at taget rates ng mga plataporma, ang presyo ng cryptocurrency ay hindi ring inaasahang maging magkakapareho. Karagdagan pa rito, ang ibang plataporma ay may tinatawag na order book system kung saan ang kanilang mga customer ang nagtatakda ng kanilang presyo sa pagbenta at pagbili ng crypto. Iba ito sa conversion rates ng Coins.ph kung saan Coins.ph ang counterparty kaya iba rin ang presyo kumpara sa ibang plataporma.
Narito ang iba't ibang paraan kung paano makikita ang presyo ng pagbili at pagbenta ng cryptocurrency sa Coins.ph.
Sa Web
Makikita ang kasalukuyang presyo ng cryptocurrency sa Philippine Peso (PHP) sa itaas na kaliwang bahagi ng screen sa aming website. Makikita rin ito sa aming home screen ng Coins.ph kung hindi pa kayo naka-login.
Sa App
Pindutin ang Crypto button sa ibabang menu ng app. Makikita na rito ang "Prices" na button sa baba ng Crypto Portfolio. Pindutin ito upang makita ang iba't ibang presyo ng suportadong cryptocurrency sa Coins.ph. Para sa karagdagang detalye, maaaring basahin ang aming artikulo rito.
Makikita mo ang chart ng historya ng presyo ng pipiliin mong cryptocurrency. Depende sa nais mong tignan na time frame, maaaring makita ang chart ng presyo nito batay sa nakaraang oras, araw, lingo, buwan, at taon. Mangyaring malaman po nila na ang chart na nakikita sa app ay batay sa indicative price (average ng presyo ng pagbili at pagbenta) ng cryptocurrency. Upang malaman ang eksaktong Buy rate at Sell rate sa kasalukuyan, maaaring pindutin na lamang ang Buy o Sell sa ibaba ng screen.
TIP: Maaari mo ring gamitin ang Coins.ph price widget sa iyong smartphone para sa madaling pagtingin ng presyo ng cryptocurrency nang hindi kinakailangang buksan ang Coins.ph app. Maaaring mabasa ang iba pang detalye tungkol sa bagong feature na ito sa artikulong ito.