Ang Coins.ph ay isang hosted wallet service na mayroong multi-signature at cold storage bilang dagdag seguridad sa inyong account. Nagbibigay daan din ito upang direktang isama ang iba't-ibang serbisyo ng Coins.ph upang maprotektahan ang inyong pera.
Katulad ng ibang hosted web wallets (Coinbase, Circle, atbp.), maaari ninyo gamitin ang inyong Coins.ph wallet para mag-tabi, mag-padala, at tumanggap ng Bitcoin.
Upang matagpuan ang inyong mga wallet kapag naka-log in sa inyong account, ito ay matatagpuan sa kaliwang itaas na bahagi ng inyong web browser.
Lahat ng Coins.ph account ay may sariling itinakdang wallet address. Para sa mga panuto kung paano hanapin ang inyong Coins.ph wallet address, i-click ang link na ito.
Maaari kayong makatanggap ng bitcoin mula sa external, third-party wallet patungo sa inyong Coins.ph wallet, at vice-versa.
Makikita rin ninyong i-monitor ang incoming at outgoing transactions mula at patungo sa inyong Coins.ph wallet sa paggamit ng samu't-saring blockchain browsers katulad ng Blockchain.info at Blockexplorer.