Sa pamamagitan ng InstaPay, makakapag-cash kayo sa inyong Coins.ph wallet o magpadala ng pera sa ibang Coins.ph wallet mula sa GCash sa 3 madaling steps at matatanggap ang pera nang hindi lalampas ng 10 minuto.
Paalala: Bago mag-cash in o magpadala ng pera sa Coins.ph wallet ng iba, siguraduhin na ang Coins.ph account na tatanggap ay Level 2 (ID and Selfie) verified at mobile number-verified.
Kung natagunan na ang mga kinakailanga sa itaas, narito ang maikling gabay kung paano mag-cash in sa GCash, o paano magpadala ng pera mula sa GCash patungo sa isang Coins.p wallet:
Step 1: Pumunta sa GCash app at i-click ang Bank Transfer.
Step 2: Piliin ang DCPay Philippines, Inc. (Coins.ph).
Step 3: Ilagay ang mga hinihinging detalye. Para sa Account Number, mangyaring ilagay ang mobile number na konektado sa inyong Coins account.
Nakapagdagdag na kayo ng pera sa Coins.ph wallet ninyo gamit ang GCash. Ganoon lang kadali!
Para sa karagdagang impormasyon sa pagdeposito sa GCash, maaaring tingnan ang GCash store locator.
May katanungan? Huwag mahiyang magmensahe sa amin sa Coins.ph app o sa help@coins.ph.
Para sa real-time updates sa outlet na ito, maaaring tignan ang aming Status Page.