Isang paraan para mapanatili ang seguridad ng inyong account ang palagiang pagpalit ng password. Kung nais niyong palitan ang inyong password, sundan lamang ang mga hakbang na ito:
Buksan ang Coins.ph sa web browser at pumunta sa Account Settings na makikita sa itaas na kanang bahagi ng inyong screen.
Pindutin ang “Change Password” na makikita sa General Category.
Ilagay ang inyong mobile number, at doon matatanggap ang verification code para mapalitan ang inyong password.
Bumalik sa Coins.ph browser at ilagay ang verification code na binigay sa inyo. Doon niyo na rin mailalagay ang inyong bagong password.
Maaari kayong pumunta sa artikulong ito upang makahanap ng karagdagang impormasyon kung paano panatilihin ang seguridad ng inyong account.
Kung karagdagan kayong ka tanungan, maaari kayong mag email sa amin sa help@coins.ph.